Kahit mahalaga ang lahat ng feature ng Me, may paborito tayong lahat, may mga gustong tingnan ang call log nang sampung beses sa isang araw, at may mga hindi mapakali hangga't hindi nakikita kung sino ang tumingin sa profile nila, at hindi ka namin husgahan;) Pero naisip namin na baka kailangan mo ng shortcut, para mapaikli ang proseso at makatipid ka sa mahalagang oras mo.
Paano? Simulan na natin!
Ang matagal na pagpindot sa icon ng Me app ang magbubukas ng shortcut menu na handa mo nang piliin at gamitin.
Gusto mong gumawa ng shortcut? Napakadali lang!
Ang matagal na pagpindot sa logo ng Me ang magbubukas ng menu ng shortcut → i-drag ang napiling shortcut sa Home screen

Puwede kang gumawa ng shortcut papunta sa mga screen na ito:
Mga Natukoy na Tawag:
Mabilis na pagbukas ng mga natukoy na tawag, para masagot agad ang pagkamausisa mo.
Log ng Tawag:
Mabilis na pagbukas ng history ng log ng tawag, para agad mong matawagan ang mga naghihintay ng balik-tawag mo.
Mga Paborito:
Mabilis na pagbukas ng screen ng mga paborito, kasi bakit pa magtatagal, di ba? Dapat abot-kamay lagi ang mga paboritong kontak!
Dialer ng Me:
Mabilis na pagbukas ng dialer ng Me para sa mga “espesyal na okasyon” kapag kailangan mong
mag-dial ng bagong numero.
Mga Kontak:
Mabilis na access sa iyong upgraded na mga kontak, at sa tulong ng iba't ibang filter ay lagi kang updated sa mga kontak mo (halimbawa, makikita mo kung sino ang pinakabago mong mga kontak at marami pang iba).
Bubuksan ng bawat shortcut ang kaukulang pahina ng app, pero mula roon ay puwede kang lumipat sa ibang bahagi ng app.
Mahalagang Paalala: gumagana ito sa mga suportadong Android device lamang!
Sana nakatulong ito. Malapit nang mag-upload ng mas marami pang content. Ikatutuwa naming matanggap ang iyong feedback, komento, at mga tanong.
